DSWD naglunsad ng programa sa mental health

DSWD naglunsad ng programa sa mental health

November 4, 2022 @ 8:44 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Huwebes, Nobyembre 3 sa pamamagitan ng isang memorandum ang programang “Wireless Mental Health and Psychosocial Support to Individuals and Families Affected by Crisis Situations (WiSUPPORT)” na naglalayong magbigay ng isang methodical response at technology-based Mental Health and Psychosocial Support sa publiko.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 19, S. 2022, magtatatag na ng WiSupport program ang DSWD bilang bahagi ng kanilang regular at flagship program kaugnay ng mental health efforts ng ahensiya.

“The WiSUPPORT is a social welfare model intervention that seeks to provide a systematic response and technology-based Mental Health and Psychosocial Support (MHPSS) to clients including children in need of special protection, children and families in situations of armed conflict, persons with disabilities, senior citizens, overseas Filipinos in distress, women in especially difficult circumstances, individuals involved as first responders and caregivers to crisis situation, and other individuals and families in distress, among others,” pahayag ng DSWD.

Kasabay ito ng selebrasyon ng 30th National Children’s Month (NCM) na pinangunahan ng naturang ahensya kasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) at National Youth Commission (NYC).

Samantala, sa Crisis Hotline Report mula sa National Center for Mental Health (NCMH), ibinahagi ng DSWD na 9.7% ng lahat ng mga natatanggap ng naturang hotline ay mga menor de edad na nakararanas ng matinding kalungkutan, anxiety, stress, pambubully, problema sa pamilya at problema sa pag-aaral.

Dahil dito ay nakaisip ang kagawaran ng mga hakbang at aktibidad tulad ng WiSupport kasabay ng tema ng NCM ngayong taon na “Kalusugan, Kaisipan at Kapakanan ng Bawat Bata Ating Tutukan (Focus on the Health, Mind and Welfare of Every Child)!” RNT/JGC