DSWD nagpasaklolo sa LGUs sa pagpili ng livelihood program beneficiaries

DSWD nagpasaklolo sa LGUs sa pagpili ng livelihood program beneficiaries

January 14, 2023 @ 9:42 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Humingi na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa local government units (LGUs) para sa assessment ng mga benepisaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP).

Dumagsa kasi ang mga tao sa DSWD field office sa Maynila, araw ng Biyernes, Enero 13 sa pag-asa na makakakuha ng cash aid.

“The LGUs will now have to consolidate the list of potential program beneficiaries from their respective jurisdictions, which will be endorsed to concerned DSWD Field Offices,” ayon da kalatas ng DSWD.

Maaaring direktang magsumite ng application documents sa LGU ang isang indibidwal na nais na mag-avail ng livelihood assistance.

Ang inisyatiba na makatrabaho ang LGUs ay ginawa upang ilapit ang livelihood program sa constituents ng bawat lokalidad at maiwasan ang insidente na nangyari sa DSWD-National Capital Region office, kahapon Enero 13, kung saan 2,000 indibidwal ang nakapila sa pag-asang mabibigyan.

Gayunman, binigyang-diin nito na nire-require ng programa ang mga benepisyaryo nito na dumaan sa serye ng “orientation at skills training” bilang bahagi ng selection proseso ng programa.

Samantala, nilinaw ng DSWD na ang nangyaring insidente sa kanilang field office ay dahil lamang sa proliferation ng “fake news” na kumalat sa SMS at pekeng Facebook accounts.

Pinaalalahanan naman ng DSWD ang publiko na maging “more critical in the information they get from unverified sources.”

Idagdag pa rito, pinayuhan ng DSWD ang publiko na kumunsulta, magtanong at ipadala ang kanilang concerns sa official Facebook page ng ahensiya. Kris Jose