DSWD, namahagi ng health kits sa mga babaeng inmates ng MCJ

DSWD, namahagi ng health kits sa mga babaeng inmates ng MCJ

July 13, 2018 @ 1:29 PM 5 years ago


 

Manila City – Kasunod ng mga kaso ng mga nagkakasakit na mga inmates sa ibat-ibang selda sa Maynila, namahagi naman ng hygiene kits ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga presong kababaihan sa Manila City Jail (MCJ).

Pinangunahan ni Usec. Isko Moreno ang pamamahagi ng health kits sa halos 1,400 babaing inmates.

Sa kanyang mensahe, sinabi nito sa mga inmates na bagamat nakakulong sila ay hindi nangangahulogan na ang buhay ng mga ito.

Kailangan lamang aniyang magtiis at hindi sila nakakalimutan ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Moreno, na nais iparamdam ng gobyerno mayroon pa ring malasakit sa kanila kahit pa sila ay mga preso.

Kasabay nito ay nagpasalamat naman si Jail Warden Capt. Catherine Abueva sa naging tulong ng DSWD kasabay ng pag-amin na hindi rin sila nakakaligtas sa mga skin diseases na nambiktima na ng ilang selda sa lungsod. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)