DSWD-NCR Facebook page na-hack!

DSWD-NCR Facebook page na-hack!

January 14, 2023 @ 4:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Na-hack ang Facebook page ng National Capital Region (NCR) office of the Department of Social Welfare and Development (DSWD), kung saan nag-post ng mga video na walang kinalaman sa ahensya.

Sinabi ni DSWD officer-in-charge Edu Punay naganap ang hacking kasunod ng fake news ukol sa DSWD cash assistance dahilan upang dumagsa ang mga tao sa DSWD-NCR office nitong linggo.

“Actually yesterday or last night, yung Facebook account ng ating NCR was hacked,” dagdag ni Punay sa press conference nitong Sabado.

Ayon kay Punay, sinusubukan ng DSWD na i-rekober ang social media page. Patuloy niya, tinapik na ng DSWD ang tulong ng National Bureau of Investigation.

Iniimbestigahan na rin umano ng DSWD kung paano kumalat ang pekeng ulat ukol sa cash assistance.

“What happened there, based on our initial investigation, may kumalat po ng text messages, doon sa tapat ng Quezon City, may payout daw, sa may NCR office namin. Mayroon din nakita na fake Facebook accounts na nagpost nang may payout nga, so dinagsa po kami doon sa NCR, tulad ng pagdagsa sa atin ng nakaraang taon,” sabi ni Punay.

Tinutukoy ni Punay ang insidente noong August 2022, kung saan dumagsa ang mga tao sa DSWD offices para sa cash assistance para sa indigent students.

Dumumog umano ang mga tao sa kasagsagan ng regular application ng opisina para sa sustainable livelihood program (SLP), paliwanag ni Punay. Subalit, mahabang proseso ang SLP na nangangailangan ng assessment, interviews, at maging house visits mula sa social workers.

Inihayag ni Punay na binigyan ang mga nagtungo sa DSWD-NCR office ng forms bilang quick response, dahil hindi pngasiwaan ng DSWD-NCR office ang biglaang pagdagsa ng mga tao.

Hinikayat naman ni Punay ang publiko na tanging legitimate information sources lamang ang i-follow, gaya ng verified Facebook page ng DSWD at official news outlets. RNT/SA