DSWD: Pamamahagi ng educational aid target tapusin ngayong Sabado

DSWD: Pamamahagi ng educational aid target tapusin ngayong Sabado

September 24, 2022 @ 9:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ina matapos ang pamamahagi ng P1.5 bilyong financial assistance sa indigent students ngayong Sabado.

Batay sa ulat nitong Biyernes, sinabi ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez na P200 milyon ang natira mula sa P1.5 bilyong pondo na inisyal na inilaan para a programa.

Umaasa ang DSWD na maipamamahagi na ang natitirang pondo ngayong araw.

Sakaling hindi ito matapos, mag-aanunsyo ito ng extension ng programa.

Batay sa datos ng DSWD, mahigit 559,000 estudyante ang nakatanggap na ng cash aid—mas marami kumpara sa 400,000 na inisyal na inaasahang makatatanggap ng tulong. RNT/SA