DSWD: ‘Proseso ng legal na pag-aampon maipagpatuloy sana ng Marcos admin’

DSWD: ‘Proseso ng legal na pag-aampon maipagpatuloy sana ng Marcos admin’

May 25, 2022 @ 5:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umaasa ang punong tagapangasiwa ng DSWD-National Authority for Child Care na maipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang mas pinasimple, pinabawas na proseso at gastusin sa legal na pag-aampon sa bansa.

Sa Laging Handa public briefing, tinuran ni DSWD Undersecretary Glenda Relova, executive director ng NACC, na isa ang programang ito sa mga pinaka-nais nyang mabigyang-pansin ng papasok na next administration.

Aniya, layon nito na mabigyan ng opurtunidad ang lahat ng mga bata na magkaroon ng responsableng pamilya.

Kasama rin aniya sa nais nilang maipagpatuloy sa ilalim ng Marcos Administratio ang higit pang mapalakas ang mga child protection programs at iba pang alternative care para sa mga batang Pilipino. Kris Jose