DSWD sa 4Ps recipients: Maging alerto sa scammers

DSWD sa 4Ps recipients: Maging alerto sa scammers

July 8, 2021 @ 9:50 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) laban sa scammers na nagpapakilalang DSWD personnel upang makakuha ng mga personal na impormasyon at cash card numbers.

“Ang kanilang modus ay tatawag sa mga benepisyaryo ng programa at sasabihin na makakatanggap ang mga ito ng financial assistance mula sa programa kapalit ng pagbigay ng mga sensitibong impormasyon ng mga benepisyaryo,” lahad ng DSWD.

“Tandaan na ang mga personal at sensitibong impormasyon ay laging ingatan at huwag ipagkatiwala sa mga taong hindi kakilala. Laging siguruhin na sa mga napatunayang kilalang DSWD staff at City/ Municipal Link lamang makikipagtransaksyon.”

Hinikayat din ng DSWD ang mga nasa ilalim ng programa na agad ireport ang mga kahina-hinalang tawag at text sa kanilang munisipalidad o opisyal na Facebook page ng 4Ps. RNT/FGDC