DSWD sinita ng COA sa halos P2B ‘di naipamahaging SAP

DSWD sinita ng COA sa halos P2B ‘di naipamahaging SAP

July 19, 2022 @ 4:36 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinita ng Commission on Audit ang Department of Social Welfare and Development matapos hindi maipamahagi ng huli ang P2 bilyong halaga ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program sa ilang benepisyaryo.

Sa annual audit report para sa 2021, inihayag ng state auditors na hindi pumalya ang DSWD na maipamahagi ang P1.9 bilyong cash aid– na binubuo ng P1.7 bilyon sa field office (FO) sa Metro Manila, at mahigit P155 milyon para sa Western Visayas (Region 6) — na naibalik na sa pamahalaan.

“[Cash advances] granted to Special Disbursing Officers (SDOs)/Accountable Officers (AOs) of DWD FO NCR and VI for implementation of SAP amounting to ₱1,908,536,000.00 were not distributed to beneficiaries, depriving them of the financial assistance needed during the pandemic,” saad sa report.

Idinagdag din nito na ang refunds ng SDOs at AOs mula sa NCR field office ay mas mataas kumpara sa mga naipamahagi sa SAP beneficiaries, dahil umano sa “poor planning and monitoring” sa bahagi ng program implementers. Kabilang din sa mga isyung kinaharap ay ang schedule ng payouts na hindi agad naayos at hindi maayos na koordinasyon sa pagitan ng ahensya at local government units dahil sa pandemya.

Samantala, sa Western Visayas, binanggit ng state auditors ang inabilidad ng ahensya na maglagay ng sapat na monitoring at control mechanism sa service provider nito na nagresulta sa kawalan ng malinis na listahan ng mga benepisyaryo.

“Thus, huge amount of unexpended government funds was refunded after 2 to 6 months, which could have been used to aid the poor during the pandemic,” ayon pa sa resort.

Nilinaw naman ni Social Welfare Assistant Secretary Romel Lopez tolnitong Martes na ang P1.9 billion ay awtomatikong ibinalik sa Bureau of Treasury. Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang ahensya sa isyu, sa pangunguna ni Secretary Erwin Tulfo.

“Itong ₱1.9 billion ay automatically naibalik naman po sa National Treasury,” sabi ni Lopez.

Tiniyak naman ni Tulfo na personal niyang tututukan ang isyu.

“May expiration ang mga pondo natin dito, so we had to return that to the Bureau of Treasury. Kapag maraming nagsasabing, ‘hindi pa po namin natanggap ang SAP namin,’ wala na ho tayong SAP, sinauli na namin,” giit niya. “I don’t know what happened, hindi ko po alam, hindi ko po masasagot, pero sisilipin ko po.” RNT/SA