DSWD: Transportasyon, komunikasyon, hamon sa quake-aid distribution

DSWD: Transportasyon, komunikasyon, hamon sa quake-aid distribution

July 30, 2022 @ 4:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Ilang residente na apektado ng magnitude-7 na lindol sa Abra ang hindi pa nakatatanggap ng tulong,  dahil sa mga nasirang daan at iba pang hamon sa paghahatid ng food packs, ayon kay Department of Social Welfare Development secretary Erwin Tulfo. 

Binanggit ni Tulfo ang mga reklamo sa social media na ilang residente ang hindi pa naaabot ng tulong mula sa lokal na pamahalaan.

Hinikayat naman niya ang mga residente na magtungo sa Hmunisipalidad o mga opisina ng barangay upang makakuha ng tulong.

“May nababasa ako na post sa ilang kababayan na hindi nahahatiran ng tulong. Ang paliwanag niya ay wala sa evacuation center. ’Yan po ay sa mga bahay-bahay. Ang sabi ng LGU, ang problema po ay komunikasyon … Pakiusap niya na puntahan sila sa munisipyo, sabihan ang barangay leader at chairman na wala silang pagkain para mahatiran ng tulong ng LGU,” aniya.

Upang makapagdala ng tulong, gumamit ang mga awtoridad ng mga tricycle upang maghatid ng pagkain sa mga lugar na hindi pamuntahan ng malalaking sasakyan, sahil sa sirang mga daan.

Tinapik din ng DSWD ang Office of Civil Defense upang magpadala ng helicopters, subalit sinabi ni Tulfo na kaya lamang nitong magkarga ng food sa limitadong kapasidad.

“Overall talagang ang problema ang Abra pero kung pagdating sa pondo mayroon kakayanin masu-sustain [nang] 1-2 months sa pondo meron naman tayong pondo na ibibigay pati ang insasabi na totally damaged may ibaibigay kami na shelter assistance na P30,000 at food packs sa mga magrerepair ng bahay,” sabi ni Tulfo. RNT/SA