DSWD tumatanggap ng donasyon para sa ‘Paeng’ victims

DSWD tumatanggap ng donasyon para sa ‘Paeng’ victims

November 1, 2022 @ 11:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tumatanggap ito ng donasyon para sa mga pamilyang apektado ng Severe Tropical Storm Paeng.

Sa social media post, sinabi ng DSWD na tumatanggap ito ng in-kind o cash donations.

“Sa mga nais magbahagi ng tulong sa mga nasalanta at naapektuhan ng Bagyong #PaengPH, bukas po ang buong opisina ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan sa buong bansa para tumanggap ng mga donasyon,” pahayag ng DSWD.

Inihayag ng ahensya na nangangailangan ang mga apketadong pamilya ng food items na non-perishable at may mahabang shelf-life gaya ng canned goods at ready to eat food, bigas, bottled water, maging mga damit.

Tumatanggap din ang DSWD ng tents at tarpaulins na gagamitin bilang “temporary safe havens for families.”

Nangangailangan din  ang displaced families ng sleeping essentials gaya ng plastic mats, unan, kumot, at kulambo. Kailangan din ng hygiene kits gaya ng toothbrush at toothpaste, sabon at shampoo, bath towel, laundry soap, feminine wash at sanitary pad, alcohol o sanitizer, at diaper.

Tumatanggap din ang ahensya ng cash donations na maaaring ipadala sa mga sumusunod:

PESO SAVINGS ACCOUNT

Account Name : DSWD DONATION FUND

Account Number: 3122-1011-84

Bank Address: Land Bank of the Philippines, Batasan Branch, Constitution Hills, Quezon City

DOLLAR SAVINGS ACCOUNT

Account Name: DSWD FOREIGN DONATION

Account Number: 3124-0055-81

Swift Code : TLBPPHMMXXX

RNT