DSWD Usec. Isko Moreno, nagbitiw na

DSWD Usec. Isko Moreno, nagbitiw na

October 11, 2018 @ 7:41 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nagbitiw na si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Francisco “Isko Moreno” Domagoso para tumakbong alkalde ng Manila City sa 2019 elections.

Ito ang kinumpirma mismo ni Domagoso sa isang text message sa Remate News Online.

Aniya kaninang alas-4 ng hapon nang magpaalam ito sa pamamagitan ng sulat kamay na resignation letter kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Napakalaki po ng aking utang na loob sa mga kababayan kong Manilenyo kung hindi po dahil sa kanila ay hindi po ako makikilala sa mundo ng serbisyong publiko. Kaya po minabuti ko na lingunin muna ang panawagan ng ating mga kababayan sa lungsod ng Maynila,”saad sa sulat na isinumite ni Domagoso.

“Panahon na rin po siguro upang magkaroon ng batang mayor ang lungsod ng Maynila,” dagdag pa ng nag-resign na Usec.

Si Domagoso na dating bise alkalde ng Maynila ay itinalaga ni Pangulong Duterte bilang Undersecretary ng DSWD noong May 8. (Remate News Team)