DSWD: Walang naiulat na nasawi sa pananalasa ni #FloritaPh

DSWD: Walang naiulat na nasawi sa pananalasa ni #FloritaPh

August 24, 2022 @ 5:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Walang naiulat na nasawi sa bansa dahil sa Severe Tropical Storm Florita, ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo nitong Miyerkules.

Sinabi ni Tulfo na walang casualty reports mula sa Office of the Civil Defense (OCD), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), at regional offices ng DSWD, at local government units.

“Walang casualty tayo. Sa awa ng Panginoong Diyos, walang namatay, walang nasaktan. May mga na-displace lang po pero walang nasaktan dito kay Florita kaya we have to be thankful,” sabi ni Tulfo sa isang press briefing.

Sinabi ni DSWD Undersecretary for Disaster Management and Response Marco Bautista na 2,213 pamilya—o 7,616 indibidwal—ang inilikas dahil kay Florita sa Regions 1, 2, 3, Cordillera Administrative Region, at sa National Capital Region.

Umabot naman sa mahigit P1.13 bilyon ang naipamahaging tulong sa mga apektadong pamilya, ayon kay Bautista.

Idinagdag niya na ang food packs at hygiene kits ay ipinamigay din sa evacuation centers. RNT/SA