DSWD: Walk-in bawal na sa pamamahagi ng educational aid

DSWD: Walk-in bawal na sa pamamahagi ng educational aid

August 24, 2022 @ 2:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hindi na tatanggap ang Department of Social Welfare and Development ng walk-ins sa pamamahagi ng financial assistance sa indigent students upang maiwasan ang siksikan sa payout sites.

“No. Kasi pag nag-walk in po magkakaproblema na naman po tayo. ‘Yun po ang mahigpit na instruction, this will be the difference,” pahayag ni DSWD Secretary Erwin Tulfo nitong Miyerkules sa isang press conference nang tanungin kung tatanggap ng walk-ins.

Inabisuhan niya ang mga nais makatanggap ng cash assistance na magparehistro sa https://bit.ly/3dB9mSg o sa kanilang email: [email protected] Pwede ring bisitahin ang website ng ahensya at social media accounts nito.

“Aside from online, puwedeng QR code, puwedeng text kung hindi smartphone ang gamit nila, sasagutin naman namin. There is no more reason na sabihin nilang wala kaming cellphone. Tapos ‘yung mga anak nila nag-online naman last year, e di magpaturo po sila sa anak nila o ‘yung anak nila ang magregister. Madali lang po kaming hanapin, pupunta lang po sa website ng DSWD at d’un nila makikita ‘yun,” ani Tulfo.

Naniniwala umani siya na “blessing in disguise” ang aberya sa payout system nitong Sabado upang makagamit sila ng digital system.

“I think this is a blessing in disguise kasi ang gusto ni President Ferdinand Marcos Jr. digitalize ang gobyerno, ang transaction ng mga kababayan natin ay digital, digitalization po kaya we have to start it now, dito mag-uumpisa,” sabi niya.

Sinabi pa ni Tulfo na makatatanggap ang mga aplikante ng text message mula sa DSWD pagpunta sa payout sites, na tutukuyin ng local government units.

“Pipiliin namin alphabetical, siguro this coming Saturday ‘yung mga apelyido na nagsisimula sa letrang A hanggang F so ‘yun muna ang ia-accommodate natin for this coming Saturday, nationwide ‘yun,” paglalahad pa niya. Kris Jose