DTI inalmahan ni Imee sa pag-aangkat ng bigas para sa fast food chain

DTI inalmahan ni Imee sa pag-aangkat ng bigas para sa fast food chain

November 15, 2019 @ 2:14 PM 9 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inalamahan ni Senator Imee  Marcos ang plano ng Philippine International Trading Corporation (PITC) na umangkat ng bigas para sa piling grupo partikular na ang mga fast food chain, grocery, at maliliit na supermarket sa bansa.

Dismayado si Marcos kung bakit uunahin pang tangkilikin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang importasyon ng bigas sa panahon na lugmok ang kalagayan ng mga lokal na magsasaka.

“Wrong timing si Secretary Ramon Lopez. Kahit pa ikatwiran nilang magiging mura ang halaga ng bigas sa gagawing rice importation, kung kabuhayan naman ng mga magsasakang mga Pinoy ang babagsak, balewala rin ito,” pahayag ni Marcos.

Sinabi ni Lopez na maaaring umabot sa 300 containers ng imported rice ang ilalaan para sa mga fast food chain at supermarket sa mga darating na buwan.

“Nasaan ang ating konsensya at ano ba ang nasa isip ng mga negosyanteng ‘yan na uunahin pa ang ibang bansa kaysa bilhin ang sariling bigas natin?” dagdag ni Marcos.

Inaasahang sa mga susunod na linggo sisimulan ang mga inisyal na importasyon ng bigas na ilalaan sa mga fast food chain, maliliit na supermarket at ilang piling mga grocery.

“Maawa naman sila sa mga kababayan nating mga magsasaka na wala na halos kinikita. Itigil nyo yan!” galit na pahayag ni Marcos. Ernie Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...