DTI mamimigay ng 20M washable face masks

DTI mamimigay ng 20M washable face masks

September 17, 2020 @ 12:53 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Gagawa ang Department of Trade and Industry (DTI) ng 20 milyong reusable at washable face masks sa loob ng isa hanggang dalawang buwan upang ipamigay sa madla.

“Ang unang target beneficiaries yun pong mga under 4Ps, yung mga nakakatanggap po sa DSWD [Department of Social Welfare and Development], yung poorest of the poor families. Sila po ang pagbibigyan. Ang initial target po hopefully mga 20 million pieces,” saad ni DTI Secretary Ramon Lopez.

Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Duterte sa DTI na isama ang mga macro, small, and medium enterprise (MSMEs) prodyuser, kooperatiba, at community organizations sa produksyon ng washable face masks.

Dagdag pa ni Lopez na katuwang ang lokal na pamahalaan sa programang ito upang mabigyan ng trabaho ang mga mananahi at modista.RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...