DTI nagpaalala sa mga ibinibentang Christmas lights sa Divisoria

DTI nagpaalala sa mga ibinibentang Christmas lights sa Divisoria

October 18, 2020 @ 5:03 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagkalat na sa Divisoria ang iba’t ibang pangdekorasyon ngayong nalalapit na ang Christmas season.

Dahil dito nagpaalala naman si DTI Secretary Ramon Lopez sa publiko na maging mapanuri at huwag tatangkilik ng mga sub-standard na Christmas lights.

Kadalasan ay nakapagdudulot pa ng panganib o mga insidente ng sunog kapag ang produkto ay hindi dumaraan sa tamang pagsusuri.

Sinabi ni Lopez na maaaring isumbong sa kanilang consumer hotline 1384 kapag may mga hindi sumunod sa tamang pagbebenta ng mga produkto upang ito ay masubaybayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...