DTI nagpaalala sa SRP ng kandila sa nalalapit na Undas

DTI nagpaalala sa SRP ng kandila sa nalalapit na Undas

October 25, 2022 @ 6:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagpaalala ang Department of Trade and Industry  nitong Lunes sa traders ukol sa umiiral na suggested retail prices (SRP) para sa kandila, halos isang linggo bago sumapit ang “Undas” kung kailan inaasahang tataas ang demand sa kandila.

Ang presyo ng mga kandila, base sa pinakabagong SRP list ng DTI na ipinalabas noong Agosto, ay naglalaro sa ₱29.75 hanggang ₱177.71 kada pack depende sa sukat at bilang ng mga piraso kada pack.

“In line with the upcoming celebration of All Saint’s Day and All Souls’ Day, please be informed that the DTI currently has (an)existing SRP for candles,” pahayag ng trade department.

“However, for flowers, (the) DTI will not issue an SRP because it’s not considered (basic necessities and prime commodities),” dagdag pa nito.

Kasalukuyang pasok sa listahan ng DTI ang mahigit 30 product lines ng kandila para sa SRP list, na ipinalalabas nito para sa price adjustments para sa basic necessities at prime commodities

Pinakamura sa mga kandila ang four-piece pack ng “Export Candles White,” na nagkakahalaga ng ₱29.75. Ang two-piece pack ng “Liwanag Esperma Candle,” ay ibinebenta naman sa halagang ₱177.71.

“The August 2022 SRP bulletin shall be effective until the DTI issues a new one,” sabi ng DTI. RNT/SA