DTI pabor sa gradual shift sa Alert Level 1

DTI pabor sa gradual shift sa Alert Level 1

February 9, 2022 @ 12:41 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Pabor ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagpapababa ng quarantine status ng Pilipinas sa Alert Level 1.

Ito ay upang bigyang-daan ang sektor ng mga negosyo at trabaho habang bumababa ang COVID infection.

Sa Super Radyo dzBB interview, sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na dapat na itong ibaba sa Alert Level 1, pinakamababa sa alert level system.

“Kung mag Alert Level 1 tayo, na gusto din ni (DTI) Sec. Mon (Lopez) na mangyari pero dahan-dahan lang, nandiyan pa rin ‘yung virus. So, kailangan pa rin nating sundin lahat ng health protocols.”

Kasalukuyang nasa Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR) hanggang Pebrero 15. RNT/FGDC