DTI sa pagpasok ng SpaceX sa PH: Preparations are underway

DTI sa pagpasok ng SpaceX sa PH: Preparations are underway

March 31, 2022 @ 5:45 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nagpapatuloy ang mga paghahanda ng Department of Trade and Industry (DTI) para pangunahan ang pagpasok sa Pilipinas ng Elon Musk’s Space Exploration Technologies Corp. (Space X) para magbigay ng internet services sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng DTI na ang Pilipinas ay nakatakdang maging kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na mag-avail ng Low Earth Orbit (LEO) satellite network constellation na tinatawag na Starlink.

“The constellation consists of over 1,600 satellites in mid-2021, and will eventually comprise thousands more of mass-produced small satellites in LEO, which communicate with designated ground transceivers,” saad ng ahensya.

Ayon pa sa DTI, ang nasabing teknolohiya ay inaasahang magdadala ng high-speed satellite broadband connectivity sa mga kostumer, particular sa mga lugar kung saan napakahirap o imposibleng makabitan ng internet.

Tinalakay ng DTI ang mga ginagawa nilang paghahanda sa pulong kasama sina Trade Secretary Ramon Lopez, SpaceX senior executives Rebecca Hunter at Ryan Goodnight, gayundin si National Telecommunications Commission Deputy Commissioner Edgardo Cabarios at DFNN executive chairman Ramon Garcia Jr.

“At present, their application is being processed and the locations of their gateways are being visited,” dagdag ng ahensya.

Noong Pebrero 2021, matatandaang kinumpirma ng DFNN Inc. ang naging pahayag ng chairman nito na nagkaroon sila ng pulong kung saan nagpahayag ng interes ang Masayoshi Son ng Softbank Corp. at KDDI ng Japan na pumunta sa Pilipinas para sa posibilidad na maging major investor.

“[The] company is currently establishing a local Filipino entity that will be their wholly-owned subsidiary and is targeting to deploy three gateways in the first phase of their launch,” ayon sa DTI.

Nangako naman ng tulong si Lopez sa planadong pagtatayo ng SpaceX sa bansa.

“Their system will augment as well as complement existing broadband capacities. This will further capacitate micro, small, and medium enterprises (MSMEs), facilitate online learning, e-commerce and fintech,” ani Lopez.

“They noted that the signing of the amended Public Service Act (PSA), which allows up to 100% foreign ownership of public services in the country, was a critical factor in the company’s decision to invest, as all its technologies are proprietary,” dagdag niya. RNT/ JCM