DTI Sec. Pascual, nanumpa sa tungkulin sa harap ni PBBM

DTI Sec. Pascual, nanumpa sa tungkulin sa harap ni PBBM

December 17, 2022 @ 1:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nanumpa sa kanyang tungkulin si Trade Secretary Alfredo Pascual sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos na muling italaga sa nasabing posisyon.

“Kumpiyansa ang Pangulo sa patuloy ng pagganap ni Sec. Pascual ng kanyang tungkulin ng may buong puso para sa bayan,” ayon sa Office of the Press Secretary (OPS).

Matatandaang, sinuspinde ng Commission on Appointments (CA) committee ang deliberasyon sa ad interim appointment nu Alfredo Pascual bilang kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) dahil sa kakulangan sa oras.

Iminungkahi ni Luis Raymund Villafuerte, CA Majority Leader at Camarines Sur Representative, na suspindehin ang hearing, at sinabing ibang komite ang nakatakdang tumalakay sa ad interim appointment ni Energy Secretary Raphael Lotilla at kailangan nang tapusin ng bicameral body ang plenary session.

“For lack of material time, I move to suspend the consideration of the ad interim appointment of Mr. Alfredo Espinosa Pascual as secretary of the Department Trade and Industry,” pahayag ni Villafuerte.

Inaprubahan naman ng CA Committee on Trade and Industry ang kanyang mosyon matapos isara ito ni Senator Imee Marcos.

Kaugnay into, suportado naman ng iba’t ibang business groups si Pascual. Sa katunayan inendorso ng mga ito ang kumpirmasyon ni Pascual bilang Kalihim ng DTI.

Kabilang sa mga nasabing grupo ay ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Employers Confederation of the Philippines (ECOP), Philippine Exporters Confederation Inc. (PhilExport), Management Association of the Philippines (MAP), at Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc (FFCCCII).

Nagbigay din ng suporta ang DTI-Employees Union and the Board of Investments Employees Association (BOIEA) sa oagkakatalaga Kay Pascual bilang DTI secretary.

Samantala, nakatanggap din ng suporta si Pascual mula sa iba’t ibang business groups gaya ng Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX), PCCI Catanduanes, Albay Chamber of Commerce and Industry, the Philippine Exporters Confederation (Region XI Chapter) Inc., at PhilExport Aklan Chapter Inc. Kris Jose