Dua Lipa, kinasuhan!

Dua Lipa, kinasuhan!

March 5, 2022 @ 9:20 AM 4 months ago


Los Angeles, USA – Dinemanda ang 26-year old Grammy Award winning English singer-songwriter Dua Lipa ng Copyright Infringement para sa hit song na “Levitating” dahil kinopya umano nito ang kanta ng isang reggae band na Artikal Sound System, sa kanta nilang “Live Your Life” na ni-release noong 2017.

Ayon sa report, sa Los Angeles Federal Court nagsampa ng demanda ang banda kay Dua pati ang record label nito na Warner Records along with the producers and writers ng hit song.

Matatandaan na ang “Levitating” ay nag-number 1 sa Billboard’s 2021 year-end chart, nag-number 1 din ito sa loob ng 68 weeks sa Billboard Hot 100 Chart.

Wala pa namang pahayag si Dua at ang ang record label nito. Paula Jonabelle Ignacio