Dubai fight ni Mayweather, kinansela

Dubai fight ni Mayweather, kinansela

May 16, 2022 @ 12:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hindi natuloy ang nakatakdang exhibition fight ni undefeated American fighter Floyd Mayweather kontra sa dati nitong sparring partner na si  Don Moore sa Dubai.

Ayon sa organizer, nakansela ang laban ni Mayweather sa Dubai dahil sa pagpanaw ng United Arab Emirates president Sheikh Khalifa bin Zayed Al Nahyan.

Nagpapatupad umano sila ngayon ng 40-days of mourning kung saan lahat ng mga negosyo at maraming mga establishimento ay isinara.

Wala pa namang inilalabas na bagong petsa para sa laban.

Hindi naman nagsalita si Mayweather kaugnay sa isyu kung saan nagpost lang ito ng larawan nang pumanaw na pangulo ng UAE.

Pangatlong exhibition fight sana ni Mayweather ang laban sa Dubai mula nang talunin si Conor McGregor noong 2017 at si Tenshin Nasukawa ng Japan noong 2018.JC