Duet OST ni BTS Jimin at Ha Sung Woon, namayagpag sa Melon

Duet OST ni BTS Jimin at Ha Sung Woon, namayagpag sa Melon

June 7, 2022 @ 9:00 AM 3 weeks ago


SEOUL, South Korea – Itinuturing nang fastest OST sa Korean streaming site na Melon ang duet ng BTS member na si Jimin at Ha Sung Woon.

Ito ay ang ‘With You’ na original soundtrack ng tVN drama na ‘Our Blues’.

Nakadagdag sa excitement ng mga fans at feels ng naturang awitin ang pagiging real life friends ng dalawa.

As of this writing, umabot na ng 15 million streams ang ‘With You’ sa Melon at namayagpag rin maging sa Spotify Korea, iTunes at Hot Trending Song ng Billboard. RNT/JGC