Manila, Philippines – Pumalo na sa 120 daang libo ang dumagsa sa aktibidad ng Iglesia ni Cristo ngayong araw sa Quirino Grandstand sa kanilang Lingap laban sa Kahirapan .

Remate file photo
Sa pinakahuling update ng Manila Police District (MPD), alas 3 ng hapon ng itala ang datos ng pagtaya sa dami ng mga taong patuloy na dumarating sa venue ng aktibidad ng INC upang makibahagi sa kanilang ika-104 anibersaryo.
Napag-alaman din na nasa 492 narin ang ipinakalat na personnel ng MPD sa paligid ng Qurino Grandstand gayundin sa Luneta upang bigyan seguridad at matiyak ang kaligtasan hindi lamang ang mga miyembro o kasapi ng INC kundi maging mga indibidwal na nais makibahagi at makakuha ng libreng serbisyo ng naturang relihiyon.
may mga tauhan dinng Metro Manila Development Authority (MMDA) na kaatuwang ng pulisya sa pagmamando ng trapiko sa ilang lugar na kinailangan isara sa paligid ng venue.
Ayon kay P/Supt Igmedio Bernalez,na siyang ground commander sa aktibidad,aasahan pang dadagsa ang tao sa lugar lalo pa’t huminto na ang pag-ulan dahil magbibigayan pa aniya ng grocery items ang INC .(JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)