Dumaguete broadcaster slay case, ‘di tatantanan ng PTFoMS

Dumaguete broadcaster slay case, ‘di tatantanan ng PTFoMS

May 28, 2021 @ 12:39 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Iginiit ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Joel Egco, Executive Director of the Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), na hindi nila tinutulugan ang kaso ng pinatay na Dumaguete broadcast journalist na si Cornelio Pepino.

Sa PTFoMS webinar on media safety, nagbigay ng update si Egco sa kaso ng broadcaster, na kilala bilang si Rex Cornelio, na napag-alaman na katatapos lang ng radio program at pauwi na sana ito sakay sa motorsiklo kasama ang kanyang asawa nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang lalaki na lulan ng motorsiko sa Villa Amada, North Road, noong Mayo 5, 2020. Dinala sa Siliman University Medical Center ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival.

“Rest assured that we are focused on that case, as well as other cases that people might think are not moving forward,” ang pahayag ni Egco.

Ani Egco, ang malaking hamon sa kaso ay ang testigo at “we have been in close contact with the wife, the widow of Rex Pepino and she understands our predicament.”

“However, there are good developments and I am sure that you are all very aware that despite the recovery of the gun used in killing Rex Pepino and the killing of the alleged perpetrator, Barillo. Hindi tayo tumigil doon,” aniya pa rin.

Maaari aniyang isipin ng mga tao na “closed case” na ito dahil ang murder weapon ay na-recover na at ang sinasabing gunman ay napatay rin.

 “But we will dig deeper into this,” dagdag na pahayag ni Egco.

Si Pepino ang pangatlong journalist na pinatay sa Dumaguete sa mga nakalipas na dalawang taon.

Bukod kay Pepino, binaril din at namatay ang broadcast journalist na sina Edmund Sesto noong 2018 at Dindo Generoso naman noong 2019.  Kris Jose