Dumalo sa campaign rally ng Leni-Kiko tandem sa Pasay, 70K-80K lang – NCRPO

Dumalo sa campaign rally ng Leni-Kiko tandem sa Pasay, 70K-80K lang – NCRPO

April 26, 2022 @ 5:41 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nasa 70,000 hanggang 80,000 lang ang dumalo sa campaign rally nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan sa Macapagal Boulevard sa Pasay City noong Sabado.

Taliwas ito sa mahigit 400,000 na estimate ng campaign organizer ng naturang event.

“It was attended to by an estimated crowd of more or  less 70,000 to 80,000 supporters and volunteers onboard of [more or less] 300 cars, 15 buses, 100 [motorcycles] and 15 PUJs,” saad ng NCRPO.

Dagdag pa nito, malaking bilang ng mga raliyista ang hindi naman nagtagal sa buong panahon ng event at umalis din kalaunan.

Gayunman, iginiit ng tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez na tama ang 412,000 na crowd estimate ng kanilang kampo.

Aniya, punong-puno ng volunteers at supporters nina Robredo at Pangilinan ang limang kilometrong haba at 32 metrong lawak na Macapagal Boulevard.

“We stand by our estimate… Anyone can use online tools to verify the crowd estimate, and we are confident our numbers will be sustained,” ani Gutierrez.

Ang campaign rally na isinagawa kasabay ng kaarawan ni Robredo at dinaluhan ng mga sikat na artista, mang-aawir at influencers ay naging “generally peacefull” ayon sa NCRPO.

Aabot din sa 1,621 pulis ang ipinakalat ng NCRPO para magbantay sa seguridad ng event. RNT/ JCM