Dumapong missile ng Tsina sa EEZ pinalagan ng Japan

Dumapong missile ng Tsina sa EEZ pinalagan ng Japan

August 5, 2022 @ 11:43 AM 1 week ago


JAPAN – Nagsampa ang Japan ng diplomatic protest laban sa Tsina.

Ito ay matapos lumapag sa exclusive economic zone (EEZ) ng Japan ang limang ballistic missiles na pinasabog ng China.

Kinumpirma ito mismo ni Japanese defense minister Nobuo Kishi noong Huwebes, kung saan ang missile ay bahagi ng military exercises na inilunsad ng China.

Ang nasabing military exercise ay ang pinakamalaking inilunsad ng China sa Taiwan Strait matapos ang pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi.

“To have five Chinese missiles fall within Japan’s EEZ like this is a first,” ani Kishi sa mga reporter.

“We have protested strongly through diplomatic channels.”

Ang zone na umaabot ng 200 nautical miles mula sa mga panlabas na limitasyon ng mga teritoryal na dagat ng Japan at ang mga missile ng North Korea ay nahulog sa loob ng ilang bahagi ng EEZ ng Japan noong nakaraan. RNT