Dumarpa, bagong CHR commissioner

Dumarpa, bagong CHR commissioner

January 9, 2023 @ 7:28 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Malugod na tinanggap ng Commission on Human Rights (CHR) nitong weekend ang appointment ni Atty. Faydah Dumarpa bilang ikatlong komisyoner ng ikaanim na Commission en banc (CEB).

Sa isang pahayag na inilabas nitong Linggo, sinabi ng CHR na ang appointment paper ni Dumarpa ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Disyembre 28, 2022, at pormal na ipinadala sa CHR noong Huwebes, Enero 5, 2023.

Aarangkada ng termino ni Dumarpa sa loob ng pitong taon mula 2022 hanggang 2029, kasama ang natitirang bahagi ng CEB.

Bago ang kanyang appointment, si Dumarpa ay nagsilbing Deputy Executive Director III para sa Administrative and Financial Service sa National Nutrition Council ng Department of Health (DOH) mula noong 2021.

Nagtrabaho rin siya sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM) bilang Director IV para sa Administrative and Financial Group.

“CHR looks forward to her future contributions in the policy, protection, promotion, and prevention work of the Commission,” pahayag ng CHR.

“Similarly, we welcome the gender balance that Commissioner Dumarpa brings to CEB VI. Her overall multidisciplinary perspective comes as a great benefit to the ever-flourishing landscape of human rights,” dagdag nito.

Si Dumarpa ay anak ni dating Lanao del Sur District I Representative Faysah Racman Pimping Maniri Dumarpa, at dating National Labor Relations Commission (NLRC) Commissioner Atty. Salic Biston Dumarpa.

Sa ilalim ng mandato nito, nagsasagawa ang CHR ng mga imbestigasyon sa mga paglabag sa karapatang pantao laban sa marginalized at vulnerable sector ng lipunan kabilang ang civil at political rights. RNT/SA