Dumi ng tao, tinatambak ng China vessels sa West Philippine Sea

Dumi ng tao, tinatambak ng China vessels sa West Philippine Sea

July 12, 2021 @ 8:00 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nabuko ang palagian umanong pagtatapon ng dumi ng tao at iba pang basura ng mga Chinese ship sa ilang bahagi ng West Philippine Sea na naging dahilan ng pagkasira ng malawakang marine life, ayon sa isang US-based expert. Lunes.

Sinabi ni Liz Derr, founder at CEO ng Simularity, na dalubhasa pagdating sa geospatial analysis at siyang naglabas ng satellite data imagery, na palagian umanong nagtatapon ang Chinese ships sa katubigan ng WPS.

“It is so intense you can see it from space,” ani Derr sa isang online forum.

Ipinakita niya pa ang satellite images sa huling limang taon, o panahon ng pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitral ruling sa WPS, sinabi ni Derr lubos na nasira na ang ilang mga bahura sa nasabing lugar at kinakailangan ng dekadang panahon para makarekober ang mga ito.

“When the ships don’t move, the poop piles up,” paliwanag niya.  “The damage to the reefs in the last five years is visible and dramatic.”

Sinabi pa ni Derr na nasa 236 ships ang namataan sa Union Banks o Pagkakaisa Reefs, na nasa loob ng West Philippine Sea hanggang nitong Hunyo 7. RNT