Dumobleng badyet ng DepEd sa voucher program, kinwestyon

Dumobleng badyet ng DepEd sa voucher program, kinwestyon

September 25, 2022 @ 9:04 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kinwestyon ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang dumobleng dagdag sa badyet ng Department of Education na laan sa voucher program nito.

“This voucher program being administered by the Department of Education has ballooned exponentially to a tune of P39.326 billion under the 2023 National Expenditure Program from only P16.534 billion this year,” pahayag ni Pimentel.

“Why did it increase more than double? What is the guarantee that the budget will go to its intended beneficiaries?” pagtatanong niya.

Nilinaw naman ng Senador na hindi siya kontra rito ngunit nais lamang niya na malinawan dahil lubhang mataas ang hiling na dagdag sa badyet para rito.

“I am not saying that I am against it or that it is anomalous. But I wanted to be clarified because this is such a huge increase that it should not skip scrutiny. We are entrusted with the job of being the Senate’s chief fiscalizer and it will be a huge disservice to the Filipino people if we do not bring this to the attention of the agency involved,” paglilinaw niya.

Binalikan ng Senador ang 2021 Commission on Audit report kung saan tanging 1,107,083 estudyante lamang ang nakinabang sa SHS voucher program na mas mababa sa target ng DepEd na 1,417,613.

Maliban dito, napansin rin ng Senador na posibleng mabawasan pa ang target beneficiaries ng DepEd sa 2023 ng mga matutulungan ng voucher program na 1.132 milyon mula sa 1.383 milyon estudyante. RNT/JGC