Dump truck na ginamit ng NPA sa pagsalakay sa isang municipal police station, nakuha na

Dump truck na ginamit ng NPA sa pagsalakay sa isang municipal police station, nakuha na

August 11, 2018 @ 5:51 PM 4 years ago


 

Northern Samar- Nasa pangangalaga na ng pulisya ang isang dump truck na pinaniniwalaang ginamit ng may 100 miyembro ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa paglusob sa Lapinig Municipal Police Station na ikinasugat ng dalawang pulis sa Northern Samar.

Kasabay sa pagkostudiya ng sasakyan ay ang pagtukoy sa construction company sa Jipapad, Easter Samar na siyang nagma-may ari nito na ginamit sa pag-atake ng mga rebelde.

Lumalabas na pinuwersang kinuha ng grupo ang dump truck mula sa driver sa isang construction site nitong huwebes ng madaling araw

Dahil sa labis na takot umano ng driver ay ibinigay nya ang susi sa mga rebelde at umalis naman sa lugar patungo sa Lapinig Municipal Police Station upang gamitin sa paglusob.

Napag-alaman na nasa 30 minuto lang ang biyahe mula sa Jipapad, Eastern Samar papuntang Lapinig, Northern Samar. (Jeff Gallos)