Dump truck nahulog sa bangin, pahinante patay

Dump truck nahulog sa bangin, pahinante patay

March 8, 2023 @ 5:33 PM 3 weeks ago


ILAGAN CITY, ISABELA – Idineklarang dead-on-arrival ang pahinante ng isang dump truck matapos na mahulog ito sa bangin sa bahagi ng kahabaan ng Brgy. Sindun Bayabo, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Jayson Hernandez, nasa hustong gulang, at residente ng Brgy. San Andres sa nabanggit na lungsod.

Habang ang dalawang sugatan naman ay sina Ariel Fernandez at Jason Dacuba, pawang mga nasa hustong gulang at residente rin ng nabanggit na bayan.

Sa inisyal na pagsisiyasat, lumalabas na habang binabaybay umano ng truck ang palikong bahagi ng kalsada ay nakaranas ito ng mechanical disfunction (nawalan ng preno) dahilan upang mawalan naman ng kontrol sa manibela ng truck ang tsuper, sanhi ng pagkakahulog sa bangin.

Bilang resulta, nagtamo ng ilang pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tatlong biktima na kaagad namang itinakbo ng rescue DART831 sa pagamutan para sa agarang tulong medikal.

Subalit, sa kasamaang palad ay hindi na nakaabot ng buhay si Hernandez. Rey Velasco