Duque, Año: One-meter distance sa PUVs mas mainam

Duque, Año: One-meter distance sa PUVs mas mainam

September 16, 2020 @ 4:41 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nanindigan sina Health Secretary Francisco Duque III at Interior Secretary Eduardo Año na mas mainam ang isang metrong distansya sa mga pampublikong sasakyan upang malabanan ang coronavirus.

Sa press conference sa Camp Crame, iginiit ng mga opisyal na batay ito sa World Health Organization.

“Puwede nating buksan ang ekonomiya para naman lumago, pero para sa akin non-negotiable ang minimum health standard na one-meter distance sapagkat ‘yan ay base sa siyensiya, base ‘yan sa pag-aaral ng mga dalubhasa…” lahad ni Año.

“In one-meter distance, you are going to reduce the risk of getting the virus or transferring or contaminating someone by 81% and at two meters distancing, that can go all the way up to 91% and in fact, three meters, 96%,” punto naman ni Duque.

“So siyempre hahaluan din natin ‘yan ng face masks and face shields at talagang tataas po ang rate of protection.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...