Duque: Dapat maging matatag sa COVID-19

Duque: Dapat maging matatag sa COVID-19

August 10, 2020 @ 10:43 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Dapat maging matatag ngayong coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic, ayon sa paalala ni Health Secretary Francisco Duque III sa mga opisyal ng Pasay.

“Limang buwan na po nating binubuno ang problema natin sa COVID-19. Ito na talaga ang itsura ng laban natin. Ito’y hindi na sprint, marathon na ito. Patatagan po ang laban dito kaya kinakailangan talagang maging matatag po tayong lahat,” ani Duque sa Covid-19 Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) meeting kasama ang Pasay City’s Task Force Covid noong August 7.

Inabisuhan din ni Duque ang mga lokal na opisyal na maging malusog lalo pa ngayong COVID-19 pandemic.

“Alam kong nakakapagod, but we just have to recharge, re-energize, reconvene, review the plans, narrow them down, then execute,” aniya.

“Sa CODE, kapit-bisig po ang national and local governments, sa pangunguna ng local chief executives, sa pag-durog ng clusters.”

“Tayo po ay magba-bahay-bahay, sa pangunguna ng isang healthcare worker — do house-to-house symptom check, immediate isolation ng mga may sakit o sintomas, and massive targeted testing kung saan ang swabbing ay ating isasagawa sa community na rin mismo,” paliwanag pa ni Duque.

Hinikayat din ng opisyal ang publiko na gawin ang BIDA solusyon! (B-awal walang mask, I-sanitize ang kamay, D-uminstansya at A-lamin ang tamang impormasyon!) RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...