Duque haharap sa House probe sa pandemic response issue

Duque haharap sa House probe sa pandemic response issue

January 27, 2022 @ 6:58 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Handa si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na humarap sa imbestigasyon ng House of Representatives ukol sa umano’y palpak na paghawak ng gobyerno sa pandemic response.

Matatandaan na nitong Miyerkoles nang irekomenda ng House Committee on Good Government and Public Accountability na sampahan ng kaso si Duque, dating Food and Drug Administration (FDA) Director-General Rolando Enrique Domingo at iba pang opisyal ukol sa sinasabing palyadong pandemic response.

Sa nasabi ring committee report, binibigyan ng pagkakataaon ang mga opisyal na magpaliwanag.

“Yes, I am ready to explain my side on the issues raised against FDA. As Sec[retary] of Health, I am not involved in the direct operational and regulatory functions of FDA as it has its laws to enforce to ensure safety, efficacy, and quality of drugs, medicines, vaccines, and devices for public use,” ayon pa sa Health chief sa ulat.

Sa panig naman ni Domingo, sinabi niya na ang mga gamot na inaprubahan ng FDA ay ligtas at de kalidad.

“All applications for COVID-19 drugs were evaluated properly and approved in a timely manner based on scientific evidence of quality, safety, and efficacy,” giit niya rin sa ulat. RNT