Duque haharap sa Senate probe vs COVID fund response 

Duque haharap sa Senate probe vs COVID fund response 

October 15, 2021 @ 7:05 PM 1 month ago


Manila – Inihayag ni  Health Secretary Francisco Duque ang kahandaan niya na patuloy na dumalo sa nagaganap na imbestigasyon ng senado sa diumano’y hindi tamang paggamit ng pondo ng bansa upang tugunan ang coronavirus disease (COVID-19).

“Susulat ako sa Executive Secretary [Salvador Medialdea] na pahintulutan ako na umattend, para matapos na,” sabi ni Duque sa isang panayam sa radyo nitong Biyernes.

“Para wala nang iniisip na kung anu-ano dahil syempre kami gusto namin din mapalutang ang buong katotohanan. So maigi na yong paattendin na kami,” dagdag pa niya.

Kamakailan ay inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Executive Branch na huwag dumalo sa serye ng Senate hearing dahil kasalukuyan silang nagsasagawa ng pagsisiyasat sa paggamit ng gobyerno sa pondo ng COVID-19.

Bago pa man ilabas ang utos ng pangulo, giniit ni Duque na hindi lumiliban ang DOH sa pagdalo sa imbestigasyon ng senado.

“Mahirap kung ano anu-ano ang iniisip. Maigi na maging,” ani Duque.

“Bago lumabas ang memorandum order, 100 percent ang attendance namin dyan, ang DOH,” dagdag niya.