Duque, ibang DOH official, tatalupan sa ambulansyang may P1M ‘tongpats’

Duque, ibang DOH official, tatalupan sa ambulansyang may P1M ‘tongpats’

September 3, 2021 @ 12:11 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ni Senador Panfilo Lacson na nakatakdang igisa muli si Health Secretary Francisco Duque III at iba pang opisyal ng Department of Health (DOH) sa pagbili ng overpriced na ambulansiya sa kasagsagan ng pandemya.

Sa pahayag nitong Biyernes, sinabi ni Lacson na natuklasan ng kanyang tanggapan na bumili ng ambulansiya ang DOH na mas mataas ang halaga kumpara sa katulad na yunit na nabili ng ilang local government units (LGUs).

“Sinuri natin ang opisyal na records ng pagbili – isa mula sa Department of Health, isa naman mula sa local government unit. Masyadong nagliliwanag ang pagkakaiba ng presyo kaya hindi dapat  mababalewala,” ayon kay Lacson.

Sinabi ni Lacson na base sa records ng DOH na ikinumpara sa local  government unit para sa katulad na ambulansiya. Aniya, bumili ng DOH ng amabulansiya na may Automated External Defibrillator sa halagang P2.5 milyon kada yunit. Bumili naman ang lGU ng  katulad na ambulansiya na sasakyan na walang defibrillator na nagkakahalagang P300,000 – sa halagang P1.27 milyon.

Ayon kay Lacson, naipamahagi ng DOH ang 98 yunit ng ambulansiya sa Calabarzon lamang pero hindi pa nalalaman kung ilan talaga ang binili ng ahensiya.

“Overpriced ng P1 milyon kada yunit na binago ang presyo,” giit ni Lacson.

Tiniyak ni Lacson na kanyang uungkatin ang naturang isyu sa pagbabalik ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa iregularidad ng DOH sa pamamahala ng pondo ng bayan  sa Sept.7  o sa gaganaping  deliberasyon ng badyet.

 Kaugnay nito, sinabi ni Lacson na kung babalewalain o hindi nakikita ang kamalian sa paggasta ng pera  ng bayan,  at ibaling ang atensiyon ng taumbayan mula sa isyu, wala na talaga, warak ang ating bansa.

“If we cannot see what is wrong with that – or worse, try to divert public attention from the issue – then certainly we are a ruined nation,” ayon kay Lacson.

“Price matters. This applies to all items procured by the government using the money of Filipino taxpayers, regardless of administration,”dagdag ng senador.

“But price matters even more at this time, especially if there is gross overpricing of medical supplies involving billions of pesos in public funds while millions of Filipinos are losing their jobs due to the pandemic,” patapos niya. Ernie Reyes

 

(Image representation only)