Duque: Mas maraming cold storage capacity, kailangan

Duque: Mas maraming cold storage capacity, kailangan

January 18, 2021 @ 6:18 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na kakailanganin pa ng gobyerno ng third party logistics providers para sa cold storage ng COVID-19 vaccines simula sa Agosto.

“Starting August 2021 to December 2021, kinakailanagn na po natin ng karagdagang storage capacity. Dito po papasok ang ating third party logistics provider para mapuno po ‘yung puwang,” lahad ni Duque.

Nakikipag-ugnayan pa aniya ang Department of Health sa third party logistics providers na mangangasiwa sa storage at distribution ng mga bakuna.

“They can store the vaccines from February to July of this year,” lahad pa nito.

“Mula August hangang December 2021, muli kukuha na naman po tayo ng mga third party logistic provider para po ma-accommodate ‘yung ating mga bakuna.”

Pinag-aaralan na rin ng DOH ang pagsasaayos ng lima pang unit ng ultra low freezers.

“Hindi na po tayo maghahantay ng August. Ngayon pa lang po ay ginagawa na po namin nang pro-active at several steps ahead for ensuring an effective and successful rollout plan,” paliwanag pa ni Duque. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •