Duque may ‘ethical issue’ sa pagbibigay ng COVID booster shots

Duque may ‘ethical issue’ sa pagbibigay ng COVID booster shots

September 18, 2021 @ 12:01 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iginiit ni Health Secretary Francisco Duque III na ikinokonsidera nila ang “ethical issues” sa pagtutuloy ng booster shots.

Aniya, maraming Pilipino pa ang hindi nakatatanggap kahit ng unang dose ng COVID vaccine.

Sa panayam ng Dobol B TV,  sinabi ni Duque na ang polisiya sa booster shots ay nasa ebalwasyon pa ng Vaccine Expert Panel (VEP) at lahat ng experts groups sa COVID-19 vaccines.

“Ito ay pinag-aaralan sa kasalukuyan. Mahirap kasi na maging policy, bigyan ng booster dose lahat ng nakatanggap ng kumpletong bakuna. Paano ‘yung mga ni isa ‘di nakatanggap? So may ethical issue,” paliwanag ni Duque.

 “Kasi magbibigay ka ng booster sa isa tapos marami pang mga tao na mahihirap na hindi pa nakakatanggap ng isang turok. Parang mahirap i-justify ‘di ba?”

Dagdag pa nito, kahit aniya ang World Health Organization ay hindi nagrerekomenda ng booster shot dahil sa kulang pa ang suplay ng COVID vaccine.  RNT/FGDC


  •  
  •  
  •