Duque naturukan na ng Sinovac booster shot

Duque naturukan na ng Sinovac booster shot

January 12, 2022 @ 1:12 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Inanunsyo ni Health Secretary Francisco Duque III na naturukan na siya ng booster shot laban sa COVID-19.

Sa Kapihan sa Manila Bay forum, inilahad ni Duque na nabigyan na siya ng Sinovac booster dose tatlong linggo ang nakalilipas.

“Yes, I had mine three weeks ago…”

“Sinovac din ako, lahat okay ‘yan… lahat ng bakuna natin okay…” kwento pa nito.

Hinikayat din ni Duque ang publiko na magpa-booster shot bilang dagdag proteksyon sa virus.

“Magpa-booster na po kayo sa lalong madaling panahon dahil malaki po ang dagdag protection taglay ng ating mga bakuna laban sa Omicron lalo na ang booster.” RNT/FGDC