Duque: NCR panatilihin muna sa Alert Level 2  

Duque: NCR panatilihin muna sa Alert Level 2  

December 7, 2021 @ 4:34 PM 10 months ago


Manila, Philippines — Iginiit ni Health Secretary Francisco Duque III na kahit pa mayroong downward trend sa COVID-19 cases sa Metro Manila, dapat pa ring manatili sa Alert Level 2 dahil sa banta ng Omicron variant,

“Para sa akin, siguro tama lang na manatili muna tayo sa Alert Level 2,” saad ni Duque sa Laging Handa public briefing.

 “Ang mobility tataas na naman ‘yan ngayong kapaskuhan, alam natin yan at lalong nagbabadya ang Omicron variant so maigi na mas konserbatibo tayo.”

Sa ngayon, nasa Alert Level 2 pa rin ang Metro Manila hanggang Disyembre 15.  RNT/FGDC