Duque: ‘No vaccine, no entry’ policy ng Masbate, bawal!

Duque: ‘No vaccine, no entry’ policy ng Masbate, bawal!

September 3, 2021 @ 10:57 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Tinawag ni Health Secretary Francisco Duque III na walang basehan ang ipinatutupad na “no vaccine, no entry” ng lokal na gobyerno ng Masbate.

“Wala pong batayang legal ‘yun pong pagbawal na makauwi ang residente ng isang komunidad o lokalidad. Kahit na siya po ay hindi bakunado ay dapat payagan po,” ani Duque.

Giit niya, na dapat itigil ng Masbate LGU ang ganitong iskema.

Ang tugon ni Duque ay mismo sa katanungan ni Masbate 1st District Rep. Narciso Bravo, Jr. ukol sa posisyon ng IATF sa kanilang “no vaccine, no entry” policy.

Sinabi ni Bravo na maging siya ay personal nang sumulat sa regional director ng Department of the Interior and Local Government para tutulan ang nasabing iskema.

“Yung iba, gustong umuwi dahil magpapa-enroll ng kanilang anak,” ani Bravo. “Merong gustong magpabakuna. Naka first dose na, hindi makauwi for the second dose because of the prohibition.”

Suhestyon naman ni Duque na isama ang IATF sa sulat na ipadadala sa DILG. RNT