Duque oks sa libreng gamot pero problemado sa limitadong pondo

Duque oks sa libreng gamot pero problemado sa limitadong pondo

April 1, 2022 @ 12:30 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Sinang-ayunan ni Health Secretary Francisco Duque III nitong Biyernes ang pagbibigay ng pamahalaan ng libreng gamot ng libreng gamot sa mga pasyente subalit nagpahayag ng pag-aalala sa limitadong pondo para sa programa.

Iginiit ni Duque ang hamon ng pagsusulong ng libreng medisina dahil na rin sa low revenue collection mula sa mga negosyo at mga manggagawa na apektado ng pandemya.

“Unang-una, ‘yun lang pagkokolekta ng buwis sa ating mga negosyo ngayon, alam naman natin ang daming nagsarahan. Talagang nawalan ng trabaho at ang koleksyon ng buwis ay mababa. Mahihirapan tayo na ipakilala ang programa na ‘yan sa kasalukuyan,” he said.

Ani Duque, magiging posible ang panukalang ito kapag muli nang nakaahon ang ekonomiya. RNT/SA