Duque oks sa palit-kahulugan ng ‘fully vaccinated’

Duque oks sa palit-kahulugan ng ‘fully vaccinated’

June 7, 2022 @ 10:40 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sumang-ayon si Health Secretary Francisco T. Duque III sa mga eksperto sa kalusugan na nananawagan na muling tukuyin ang terminong “full vaccination” sa pamamagitan ng pagdaragdag ng unang booster shot dahil inaasahang tataas Covid-19 vaccination rate sa bansa.

Sa kasalukuyan, ang pagkakaroon ng dalawang shot ng mga bakuna sa COVID-19 ay itinuturing na isang “full vaccination” sa bansa.

Samantala, binago na ng ibang mga bansa ang katayuan ng “fully vaccination” sa pamamagitan ng pagsasama ng ikatlong jab ng bakuna o unang booster shot.

“Yes, I agree with that, but the IATF (Inter Agency Task Force) alam mo naman (as you know), is not just made up of the DOH (Department of Health), but there are also others—the economic team that frowns upon, does not agree at this,” tugon ng kalihim sa panayam sa ANC kung ang redefinition ng termino ay magdadala vaccination rate.

Aniya gusto ng economic team ng gobyerno na pataasin ang mga boosters, ngunit hindi bilang “mandatory.”

Binanggit ni Duque na sa ngayon ay anim na bansa na ang muling tinukoy ang kanilang kahulugan ng “full vaccination” sa pamamagitan ng pagdaragdag ng ikatlong shot.

“Bur hopefully we are getting more and more evidence in other countries,” sabi ni Duque.

Sinabi ng kalihim na “ibabalik nila ito sa IATF para sa isang consensus.”

Ayon sa National Covid-19 Vaccination Dashboard, noong Sabado, Hunyo 4, 71,008, 003 na mga indibidwal ang nakakumpleto ng kanilang mga pangunahing dosis ng bakuna sa Covid-19 o dalawang shot.

Samantala, sinabi ng DOH na 14,288, 300 na indibidwal lamang ang nakainom ng kanilang booster dose. Jocelyn Tabangcura-Domenden