Duque, Pharmally pinakakasuhan ng Senate Blue Ribbon

Duque, Pharmally pinakakasuhan ng Senate Blue Ribbon

February 2, 2022 @ 6:30 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Inilabas na ng Senate Blue Ribbon Committee ang resulta ng imbestigasyon at kanilang rekomendasyon sa ikinasang imbestigasyon sa umano’y maanomalyang pandemic supply deal ng gobyerno sa Pharmally.

Kasama rito ang rekomendasyong kasuhan si Health Secretary Francisco Duque III at iba pang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corp. dahil sa pandarambong sa pera ng publiko, base sa inilabas na partial report.

Inirekomenda rin ng Senate ang pagsasampa sa ilang mga kasalukuyan at dating opisyal nag gobyerno na sina:

• former government adviser Michael Yang

• former budget undersecretary Lloyd Christopher Lao, at

• Overall Deputy Ombudsman Warren Liong, na dati namang direktor sa Department of Budget and Management-Procurement Service (PS-DBM).

Sinabi din ng panel na pinaboran ng gobyerno ang “unqualified, undercapitalized company” na inasitehan umano ni China-based businessman Yang.

Nakalagay din naman sa ulat ng panel na trinaydor ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tiwala ng publiko sa pamamagitan ng patuloy na pagdepensa sa mga taong malapit sa kanya na naugnay sa pandemic supplies deal, saad pa ng Blue Ribbon Committee.

Inirerekomenda pa ng panel na kasuhan ang mga sumusunod sa paglabag sa Plunder Law and the Anti-Graft and Corrupt Practices Act:

  • Health Secretary Francisco Duque III

  • Lloyd Christopher Lao

  • Warren Rex Liong

  • Linconn Ong

  • Mohit Dargani

  • Twinkle Dargani

  • Krizle Grace Mago

  • Huang Tzu Yen

  • Michael Yang

  • Lin Weixiong

  • Dickson Panti

Sinabi oa ng mga senador na sina Lin, Yang at Qing Jin ay dapat na patalsikin sa bansa dahil pawang  “undesirable aliens” umano ang mga ito.

Habang maaari namang maharap sa kasong perjury:

  • Linconn Ong

  • Krizle Mago

  • Mohit Dargani

  • Rose Nono Lin

Habang ang mga sumusunod na indibidwal sa umanoy paglabag sa  Government Procurement Reform Act:

  • Lloyd Christopher A. Lao

  • Warren Rex H. Liong

  • Huang Tzu Yen

  • Twinkle Dargani

  • Mohit Dargani

  • Linconn Ong

  • Krizle Grace Mago

  • Lin Weixiong

Sinabi ng mga senador na nakakuha ang Pharmally ng P11 bilyong deal sa gobyerno sa kabila nang pagkakaroon lang ng P625,000 na kapital. RNT