Duque, RITM: Health workers bayad na ng higit P200M mula 2020

Duque, RITM: Health workers bayad na ng higit P200M mula 2020

November 25, 2021 @ 12:58 PM 3 days ago


Manila, Philippines — Pinabulaanan ni Health Secretary Francisco Duque III at ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na walang natatanggap na COVID-19 benefits ang health workers.

Sa ulat ng Inquirer, sinabing nailabas na ng RITM ang higit P200 milyong COVID-19 allowances buhat noong 2020.

Sinabi ni RITM Director Celia Carlos na nailabas na ang P65.9 milyon para sa special risk allowance; P23 milyon para sa active hazard duty pay; at iba pang P120 milyon tulad ng mga pagkain, akomodasyon, at transportasyon buhat nitong Nobyembre 5, 2021.   

“RITM did not distribute funds for meals, accommodations, and transportation (MAT) anymore since the Institute provided all of [the] aforementioned in kind for 2020,” saad ni Carlos sa kanyang report.

Mula sa P208.9 milyon, sinabi ni Carlos na gumastos ang RITM ng P120,244,576 sa MAT hanggang Dsyembre 2020.   RNT/FGDC