Duque sa dadalo sa inagurasyon ni PBBM: Sumunod sa public health standard

Duque sa dadalo sa inagurasyon ni PBBM: Sumunod sa public health standard

June 29, 2022 @ 10:24 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tumalima sa minimum public health standards at iba pang patakarang-pangkalusugan laban sa COVID-19.

Ito ang muling paalala ni outgoing Health Sec. Francisco Duque III sa lahat ng mga dadalo sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ng kalihim na marami nang  “super-spreader events” na dumaan sa bansa, ngunit hindi naman daw nag-reflect o nakita sa numero ng mga bagong kaso ng COVID-19.

Gayunman, umaasa si Duque na talagang marurunong na ang ating mga kababayan, at alam na ang dapat gawin upang maiwasan ang pagtaas pa ng mga bagong kaso ng COVID-19.

Para magawa aniya ito ay ipagpatuloy  ang “best practice” gaya ng tamang pagsusuot ng face mask at iba pa.

Sa inagurasyon ni BBM bukas, June 30 sa National Museum , inaasahang dadagsa ang mga taong nagnanais na personal na masaksihan ang makasaysayang panunumpa ng bagong presidente ng bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden