Duque sa FDA: Pag-apruba sa ‘at-home use’ ng COVID antigen test kit ihanda na

Duque sa FDA: Pag-apruba sa ‘at-home use’ ng COVID antigen test kit ihanda na

January 6, 2022 @ 7:27 AM 7 months ago


Manila, Philippines — Ipinahahanda na ni Health Secretary Francisco Duque III sa Food and Drug Administration (FDA) ang pag-apruba sa mga rehistradong COVID-19 antigen test kits para sa magamit sa bahay.

Sinabi ni Duque na nauna niya itong sinabi kay FDA Director-General Eric Domingo upang matikyak na marerebisa ang Certificate of Product Registration (CPR) ng antigen kits ng bansa upang mapalawig ang aprubadong aplikasyon.

 Maaalala namang nagbitiw na bilang FDA chief si Domingo dahil sa mga personal na rason.

 “But I’ve prodded him to make sure that the CPR of the currently available antigen test kits will be revised to include home testing… because now, it’s still done mostly officially in a lab set up,” dagdag pa ni Duque.

Sa hiwalay na briefing, sinabi rin ng opisyal na hinihintay pa nila ang rekomendasyon ng kanilang technical advisory group sa guidelines sa paggamit ng self-administered COVID-19 antigen test kits.

“Inaantay natin ang rekomendasyon kung ano ang mga dapat malagay sa guidelines para hindi magkamali ang pagbasa ng resulta o pag-interpret ng resulta kung gagamitin ang antigen test kits, self-administered.”

 “Kinakausap ang FDA at sinisiguro natin na magkaroon ng revision dun sa kanilang binigay na CPR kung papano gagamitin ito just in case pahintulutan nila ang self-administered antigen test kits,” dagdag pa nito.

“The antigen, ‘yung (the) self-administered test, the demand is really great for this, admittedly, but we really have to educate our people how to do it correctly.” RNT/FGDC