Duque sa publiko: Pagtitipon isantabi, balik WFH

Duque sa publiko: Pagtitipon isantabi, balik WFH

January 5, 2022 @ 11:46 AM 7 months ago


Manila, Philippines — Nakiusap si Health Secretary Francisco Duque III sa publiko na iwasan munang dumalo sa mass gatherings lalo pa ngayong tumataas na naman ang kaso ng COVID.

Iminungkahi rin nito na ibalik na ang pagtatrabaho ng mga empleyado sa kani-kanilang tahanan upang malimitahan ang interaksyon.

Paliwanag ni Duque, nasaksihan nila sa nagdaang holiday kung gaano kabilis ang pagdami ng kaso ng COVID dahil sa social gatherings.

Gayundin ay hinikayat nito ang mga deboto ng Itim na Nazareno na idaos na lamang sa bahay ang kapistahan. RNT/FGDC