Durant, Popovich napahiya vs Nigeria

Durant, Popovich napahiya vs Nigeria

July 12, 2021 @ 11:12 AM 1 year ago


MANILA, Philippines — Ginulat ng Nigeria ang Team USA matapos nila itong talunin sa iskor na 90-87 sa ginagawang exhibition game bilang paghahanda sa Tokyo Olympics.

Ginanap sa Las Vegas bilang bahagi ng preparasyon ng Team USA sa Olympics, ipinalasap ng Nigeria sa US ang kanilang ikatlong pagkatalo simula noong 1992.

Pinangunahan ni Gabe Vincent ng Miami Heat ang Nigeria matapos kumamada ng team-best 21 points at ipasok ang anim sa 20 triples na naisalpak ng African squad sa pangunguna ni Warriors assistant coach Mike Brown para palubugin ang US.

Bumida para sa Team USA si Kevin Durant na may 17 markers habang si Jayson Tatum at Damian Lillard  ay nagpasabog  ng 15 at 14 points, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Babawi naman ang US sa naging pagkatalo kapag nagharap sila ng Australia sa Martes.

Dahil sa pangyayari umano ng samo’t saring batikos sina Durant at coach Gregg Popovich at sinabing nakahihiya ang team USA sa naging pagkatalo.Rico Navarro